今週の動画

MAHIGIT 50K TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG HUNYO

Nananatiling malakas ang hatak ng Japan bilang tourist destination para sa mga turista mula sa Pilipinas dahil tinanggap ng bansa ang 54,200 Pinoy tourists noong nakaraang buwan, ayon sa paunang ulat na inilabas ng Japan National Tourism Organization (JNTO) kamakailan.

Mas mataas ito ng 15.7 porsyento kumpara sa bilang na naitala sa parehong buwan noong pre-pandemic year 2019.

Tinanggap ng Land of the Rising Sun ang kabuuang 2,073,300 tourist arrivals nitong Hunyo, kung saan ang Pilipinas ay nakakuha ng ikapitong puwesto sa mga bansang nag-aambag sa merkado ng turismo ng Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!