MATATANDA, TUTULUNGAN NG GOBYERNO MAKAUPA NG BAHAY
Plano ng gobyerno ng Japan na tumulong sa mga matatanda, may mga kapansanan at iba pa na madaling makaupa ng bahay.
Ito ay dahil sa mga napaulat na kaso kung saan tinatanggihan ng mga may-ari ng bahay na sila ay paupahin dahil sa pag-aalala na hindi sila makakabayad, mamamatay nang mag-isa o hindi kaya ay magdulot ng kaguluhan sa mga kapitbahay, ayon sa ulat ng Jiji Press.
Balak ng pamahalaan na palakasin ang life support para sa mga matatanda at iba pa tulad ng pagtulong sa kanila na makahanap ng trabaho at makakuha ng social services.
Maglalabas ng ulat ang gobyerno tungkol sa mga hakbang na isasagawa kaugnay dito sa darating na taglagas.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”