今週の動画

JAPAN, NAGTALA NG 10 MILYONG DAYUHANG TURISTA SA UNANG KALAHATI NG TAON

Nasa humigit-kumulang sa 10.7 milyong dayuhang turista ang bumisita sa Japan mula Enero hanggang Hunyo nitong taon, base sa tala ng Japan National Tourism Organization (JNTO).

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, ito ang unang beses na umabot ito sa ganitong antas simula ng COVID-19 pandemic.

Nanguna sa listahan ang mga turista mula South Korea na nasa mahigit 3.1 milyon. Lampas 1.7 milyong bisita naman ang nagmula sa Taiwan habang nasa 970,000 ang galing Amerika.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!