JAPAN, BALAK SUGPUIN ANG PANG-AABUSO SA MGA DELIVERY WORKERS
Papalakasin ng gobyerno ang pagsisikap nito na mapabuti ang kondisyon sa pagtatrabaho ng mga delivery workers sa bansa.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ni Transport Minister Saito Tetsuo na bubuo sila ng isang grupo na may humigit-kumulang sa 160 opisyal ngayong buwan upang marinig ang mga alalahanin ng mga drivers at subaybayan ang mga transaksyon sa mga kumpanyang kumukuha sa kanila.
Susubaybayan din ng grupo kung ang mga naturang trucker ay napipilitang maghintay ng mahabang oras sa pag-pick up ng mga kalakal at kung ang pagbabayad sa kanila ay patas kung ibabase sa gastos sa gasolina at sa kanilang trabaho.
Matutukoy din ang mga kumpanya na hindi wasto ang pakikitungo sa mga delivery workers.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan