CHILD POVERTY SA JAPAN MAS LUMALA SIMULA NOONG PANDEMYA
Mahigit sa 64 porsyento ng mga kabahayan sa bansa na nagpapalaki ng bata at nangangailangan ng tulong pinansyal ang nagsabing bumaba ang kanilang kita simula noong pandemya, base sa survey ng Save the Children Japan.
Ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, halos kalahati ng mga pamilyang tumugon sa survey ay nagsabi na 42.3% ng kanilang mga anak ay hindi nakakakuha ng sapat na makakain sa oras ng tanghalian sa mga araw kung kailan walang pananghalian sa paaralan tulad ng sa summer at winter vacation, habang 3.9% naman ang nagsabi na hindi nakakakain ng tanghalian ang mga ito.
Ang Save the Children Japan ay namamahagi ng mga pagkain tulad ng bigas at ready-made meals upang suportahan ang mga low-income households na may mga batang wala pang 18 taong gulang.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan