今週の動画

JAPAN POLICE, BUBUO NG BAGONG UNIT PARA IMBESTIGAHAN ANG ELDERLY SCAMS

Maglulunsad ang pulisya ng bagong unit sa Tokyo upang imbestigahan ang tumataas na bilang ng mga scams na karaniwan ay mga matatanda ang binibiktima.

Sa ulat ng Kyodo News, mas marami itong miyembro at mas malaki kumpara sa binuo noong 2005 at mamamahala sa karamihan ng mga proseso ng pagsisiyasat, kabilang ang pag-iimbestiga kung aling mga grupo ang sangkot sa mga kasong kriminal.

Kabilang sa mga scams sa mga seniors ay ang pagpapanggap sa kanilang mga anak at paghingi ng money transfer sa telepono.

Nagtala ang Japan ng 37 bilyong yen na losses mula sa special fraud cases noong nakaraang taon kung saan karamihan ng mga kaso ay naganap sa Tokyo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!