TATLONG KATAO ARESTADO DAHIL SA PEKENG KASAL SA PILIPINA
Inaresto ang tatlong katao dahil sa pagsasabwatan na pekeng pakasalan ng isa sa kanila ang isang Pilipina para magkaroon ito ng spouse visa at makapagtrabaho ng “legal” sa Japan.
Ayon sa Asakusa Police Station, gumamit si Hideki Wakabayashi, 50, presidente ng isang kumpanya na naninirahan sa Taito Ward ng Tokyo, ang kanyang walang trabaho na kakilala, 48, nakatira sa lungsod ng Otawara ng Tochigi Prefecture, at isa pang kasabwat ay hinuli dahil sa pagsusumite ng false marriage certificate sa Taito Ward Office noong Agosto 2019 sa pagitan ng walang trabahong residente ng Otawara at isang Pinay, 34, saad sa ulat ng The Mainichi.
Itinanggi naman ng tatlo ang mga paratang.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtatrabaho sa isang izakaya ang Pinay na pagmamay-ari naman ni Wakabayashi at iba pa ng mga panahon na iyon.
Nagtungo ang lalake na walang trabaho na pinakasal sa Pinay sa police station noong Abril 2022 para sabihin na nais niyang alisin sa kanyang koseki-tohon ang pangalan ng Pilipina dahil may nakilala na siyang iba na nais talaga niyang pakasalan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan