WORLD HERITAGE-LISTED TEMPLE SA NARA, NILAGYAN NA NG ENGLISH SIGNBOARD MATAPOS SULATAN NG TURISTA
Naglagay na ng “Please do not damage the hall” English signboard sa south gate ng Toshodaiji Temple sa Nara Prefecture bilang paalala sa mga dayuhang turista na huwag sirain ang templo at iba pang cultural properties dito.
Ito ay matapos aminin ng isang Canadian tourist ang kanyang pag-ukit ng mga letra gamit ang kanyang kuko sa haligi ng Golden Hall na isang national treasure, saad sa ulat ng The Mainichi.
Nakasulat sa parehong Ingles at Hapon ang signboard. Nakarehistro bilang UNESCO World Heritage site ang templo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan