CHOCOLATE FACTORIES IN KANTO AREA
Maliban sa mga temples and shrines at iba’t ibang uri ng museum, ang mga chocolate factories ay isa din sa mga top attractions sa Japan. Hindi na kailangang lumayo dahil sa Kanto area pa lang, marami ng pwedeng bisitahin na chocolate factory.
1. MEIJI CHOCOLATE FACTORY
Location: Saitama
Ang Meiji company ay mayroong iba’t ibang factories sa buong Japan. Chocolate factories para sa kanilang mga candies and sweets, Dairy factory naman para sa kanilang mga gatas at yogurt na produkto at Meiji Naruhodo factory para sa kanilang online videos.
Makikita sa loob ng Meiji Factory ang history ng kanilang iba’t ibang produkto, kung paano nagbago ang mga wrapper at design ng mga boxes simula ng kanilang irelease ang mga produktong ito. Mabibisita din ang kanilang production area kung saan makikita ang paghulma ng kanilang mga milk bars. May binibigay din na giveaway para sa mga bisita. Rekomended ang lugar na ito lalo na kung kayo ay may mga batang kasama.
2. POCKY CHOCOLATE FACTORY
Location: Saitama
Ang pocky chocolate factory ay isa mga high tech na chocolate factory dito sa Japan. Sa loob ng pocky museum makikita ang 1,500 na koleksyon ng maliliit na laruan kung saan ang mga ito ay kasama sa loob ng kanilang mga produkto na ibenta noong sila ay nagsimula magbenta ng tsokolate. Makikita mo rin kung paano nagbago ang disenyo ng kanilang mga boxes katulad din ng meiji chocolate.
Ang isa sa pinakanakakaaliw na parte ng tour na ito ay ang pocky workshop kung saan ikaw ay pweng idecorate ang giant pocky chocolate. Mayroon din silang English support para sa mga hindi marunong mag Japanese.
3. YOKOHAMA CHOCOLATE FACTORY
Location: Yokohama
Ang panghuli naman ay ang Yokohama Chocolate Factory and Museum. Sinasabi na ang chocolate ay nagsimula noong Meiji period at ang taong nasa likod nito ay nagmula sa lugar ng Yokohama. Dahil dito, tinawag ang Yokohama na home of the domestic chocolates.
Sa loob ng chocolate factory makikita kung paano ginagawa ang kanilang mga tsokolate sa pamamagitan ng glass window. Free ang entrance fee kaya pwede isama ang buong pamilya. Ito ay matatagpuan sa Yokohama China toewn.
Matapos maglibang pwede din matikman agad ang mga freshy made na tsokolate sa kanilang cafe or bumili ng pasalubong. Mabibili din dito ang mga kakaibang flavor ng tsokolate katulad ng salt, matcha, wasabi, dried tomatoes at black tea.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”