MAG-INGAT SA MGA “BLINDSPOT” SA BAHAY NA MAARING MAGDULOT NG HEATSTROKE
Ayon kay Oji Kamiya, direktor ng Internal Medicine and Surgery clinic, may mga parte ng bahay na dapat bantayan dahil sa mataas na probabilidad ng heatstroke.
Una sa listahan ay ang kusina. Ang matagal na pagtayo sa kusina kung saan kadalasan mainit ang temperatura ay maaring maging sanhi ng heatstore. Upang maiwasan ang sobrang init na temperatura sa kusina, suhestiyon na ibaba ang setting ng air conditioner, gumamait ng microwave oven kapalit ng kalan at tanggalin sa saksakan ang lahat ng appliances sa kusina na nagreretain ng init.
Isa pa sa mga lugar na dapat bantayan ay ang toilet. Ang paggamit ng toilet ng matagal ay maari ring magdulot ng heatstroke lalo na kung ikaw ay gumagamit ng hot shower dahil mabilis tumaas ang temperatura sa loob nito. Bago gamitin ito, buksan ang pinto para pumasok ang malamig na hangin. Maaari ring gamitin ang ventilation fan para mas lumamig ang temperatura.
Para maiwasan ang heatstroke, huwag kalimutan uminom ng tubig na may asin. Maaari ring gumamit ng mga cooling goods kung kinakailangan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod