今週の動画

MGA INSEKTO, GAGAWING TOURIST ATTRACTION SA FUKUSHIMA

Nagbukas ng “insect division” ang Tamura City sa Fukushima Prefecture na layong ipakilala ang kanilang lugar sa mga lokal at dayuhang turista bilang “city of bugs.”

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, nais ng lungsod na i-promote ang kanilang tourist resources at kabilang dito ang mga bugs.

Itinalaga nila bilang dedicated staff ang mascot na tinawag nilang si Kabuton na umaasang maraming mga bata ang bibisita sa kanilang lugar ngayong panahon ng tag-init at matutuhan ang tungkol sa mga bugs, beetles at iba pang mga insekto.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!