TRUCK, BUMANGGA SA OPISINA NG YAKUZA SA KOBE
Sumalpok ang isang truck sa opisina ng Nishiwaki-gumi, isang yakuza gang na may kaugnayan sa Kobe Yamaguchi-gumi, noong Linggo.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, sinabi ng pulisya na tumawag ang isang residenteng malapit sa lugar ng insidente bandang alas-5:40 ng hapon para i-report ang pangyayari. Walang tao sa loob ng opisina na matatagpuan sa Nishi Ward noong oras na iyon.
Sinabi rin ng pulisya na ang mga ulat ay nagpapahiwatig na ang drayber ng truck ay tumama sa opisina. Wala na ang drayber nang dumating ang mga otoridad.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang posibilidad ng alitan sa pagitan ng drayber ng truck at mga miyembro ng Nishiwaki-gumi.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan