今週の動画

MGA NURSING HOMES SA JAPAN, POSIBLENG MAGSARA DAHIL SA PAGTAAS NG OPERATION COSTS

Nahaharap sa pagkalugi ang nasa 27 porsyento ng mga nursing homes at iba pang katulad na pasilidad sa bansa sa mga susunod na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo at utility costs.

Ito ay base sa online survery na isinagawa ng mga nursing care groups noong Marso sa humigit-kumulang 1,200 nursing care homes at pasilidad sa buong bansa, saad sa ulat ng Kyodo News.

Ayon sa survey, apektado ng taas-presyo ang mahigit sa 90 porsyento ng mga nasabing pasilidad.

Nasa 16.2% ng mga nursing homes ang nagbabawas ng staff o hindi tumatanggap ng mga bagong empleyado para makapag-operate sa gitna ng inflation.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!