今週の動画

BILANG NG MGA KABAHAYAN NA MAY BATA SA JAPAN NASA PINAKAMABABA

Sa unang pagkakataon ay mas mababa sa 10 milyon ang bilang ng mga kabahayan na may bata sa bansa, ayon sa pinakabagong datos na inilabas ng gobyerno.

Nasa 9.917 milyon ang mga kabahayan na may bata na mas mababa sa edad na 18 taong gulang, base sa tala ng Ministry of Health, Labor and Welfare. Ito ang pinakamababa na nai-rekord simula taong 1986.

Sa bilang na ito, 49.3% ang may isang bata, 38.0% ang may dalawa, habang ang may tatlo o higit pa ay nasa 2.7%.

Sa ulat ng Kyodo, ito ay nagpapakita nang mabilis na pagbaba ng birthrate sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!