SEIBU RAILWAY, GAGAMIT NG SIMULTANEOUS TRANSLATION SYSTEM PARA SA MGA TURISTA
Sisimulan ng Seibu Railway ang paggamit ng simultaneous translation system technology sa susunod na linggo para makapag-usap nang maayos ang kanilang staff sa mga dayuhang turista.
Susubukan muna ito ng railway company sa kanilang istasyon sa Shinjuku kung saan 12 lenggwahe ang magagamit kabilang ang Tagalog, Ingles, at Vietnamese, sa ulat ng NHK World-Japan.
Ayon sa Seibu, nais nila na maging ligtas at kumportable ang pakiramdam ng mga bisita sa bansa na gagamit ng kanilang railway service.
Tatlong buwan ang itatagal ng trial system bago ito ganap na ilunsad sa autumn.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan