POPULAR SUMMER DESTINATION OVERALL RANKING
This list is based from Travelko website.
1. SAPPORO/HOKKAIDO
Nangunguna sa listahan ang Sapporo at Hokkaido. Ang summer festival sa Sapporo ay talaga namang inaantabayan ng lahat. Ito ay gaganapin mula Hulyo 21 (Biyernes) hanggang Agosto 16 (Miyerkules), 2023, ay magtatampok sa isa sa pinakamalaking beer garden sa Japan at sa Hokkai Bon Odori dance.Sa Nijo market, makakahanap ka ng mga seasonal sea urchin, pusit, at sariwang prutas at gulay. Huwag din kalimutan subukan ang soft-serve ice cream na gawa sa sariwang gatas mula sa Hokkaido.
2. MIYAKOJIMA/IRABUJIMA/OKINAWA
Tie naman sa ikalawang pwesto ang Miyakojima, Irabujima at Okinawa. Kahit medyo malayo ang mga island na ito from Tokyo, hindi naman maikakaila na talaga namang kahanga hanga ang mga dagat na nakapaligid sa tatlong isla na ito. Ang Yonaha beach ang isa sa pinakapopular na beach sa lugar ng Miyakojima ay tinatawag na “The Most beautiful beach in the East”. Ang napakalinaw na tubig dagat ang isa sa main attraction ng lugar.
3. ISHIGAKI ISLAND/OKINAWA
Ang Ishigaki Island ay isang oras na flight mula sa main island ng Okinawa. Napakadaming sight seeing spots sa lugar na ito tulad ng Kabira bay na may emerald green na dagat at Okanzaki na popular sa kanilang white sand. Isa rin sa dinadayo sa lugar na ito ang Ishigaki Island Limestone cave. Maari ring mag island hopping gamit ang bangka.
Ang iba pang lugar na nakapasok sa top 10 ay ang mga sumusunod:
4. Hakata/Fukuoka
5. Universal City/Osaka
6. Naha/Shuri-Okinawa
7. Tokyo Disneyland/Chiba
8. Hakodate/Hokkaido
9. 23 Cities of Tokyo
10. Onna Village-Okinawa
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”