MGA MATATANDA PAPAYAGAN KUMUHA NG MY NUMBER CARD NG WALANG PASSWORD
Papayagan ng gobyerno ng Japan na kumuha ang mga matatanda ng My Number personal identification cards nang hindi nagse-set ng password.
Inanunsyo ito kahapon ni Internal Affairs Minister Takeaki Matsumoto bilang tugon sa mga matatandang nag-aatubiling kumuha ng card sa pag-aalalang makalimutan nila ang password, ayon sa report ng Jiji Press.
Mula Nobyembre ay maaari nang mag-apply ang mga matatanda para sa mga cards na walang password.
Samantala, hindi makakakuha ng residence certificate at iba pang dokumento sa mga convenience stores ang mga cardholders na walang password. Hindi rin nila magagamit ang Mynaportal portal site.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan