DAMIT, BAGS NA GAWA SA RECYCLABLE MATERIALS, MABIBILI SA TOKYO DISNEY RESORT
Nagsimula nang magbenta ang Tokyo Disney Resort ng mga T-shirts at tote bags na gawa mula sa mga staff costumes na hindi na ginagamit.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang “Circulating Smiles” series na layong makagawa ng mahalagang mga bagay mula sa mga recyclable items na nakolekta sa theme park, saad sa ulat ng The Mainichi shimbun.
Halimbawa ay ang mga ginamit na slacks ng mga staff na ginawang shoulder bags at ang mga jackets na naging tote bags.
Mabibili ang mga T-shirts, tote bags at iba pang mga eco-friendly goods sa mga souvenir shops sa loob ng theme park.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan