今週の動画

3,566 PRODUKTO SA JAPAN, MAGTAAS NG PRESYO NGAYONG HULYO

Inaasahang magmamahal ang presyo ng 3,566 na produkto ngayong buwan o di kaya ay magbabawas ng dami.

Ito ang resulta sa ginawang survey ng Teikoku Databank sa 195 na food at beverage companies sa bansa.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, kabilang dito ang presyo ng mga produkto na nagtaas pa lamang ng presyo kamakailan.

Sa resulta ng survey, 1,578 na tinapay ang magtataas ng presyo, 836 na processed food at 619 na condiments.

Umabot na sa 29,106 na produkto ang nagmahal hanggang sa kasalukuyan. Nalampasan na nito ang 25,768 na naitala noong nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!