今週の動画

MATATANDA SA JAPAN, NAGAGAMIT PA RIN ANG NGIPIN SA PAGKAIN

Tinatayang mahigit sa kalahati ng mga matatanda sa Japan na nasa edad 80 pataas ang nakakanguya pa rin nang maayos gamit ang kanilang mga ngipin.

Ito ay base sa isinagawang dental health survey ng health ministry sa mahigit 2,700 katao sa bansa noong nakaraang taon, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Lumabas sa resulta na tinatayang 51.6% ng mga nasa edad 80s ang may hindi bababa sa 20 totoong ngipin.

Sinabi ng mga health officials na ang pagkakaroon ng general awareness sa kahalagahan ng dental health ay maaaring nakatulong sa resulta ng survey. Dinagdag din nila na patuloy nilang hihikayatin ang mga tao na dumaan sa dental screening.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!