今週の動画

MAG-ASAWA SA CHIBA ARESTADO SA PAGBIBIGAY NG TRABAHO SA OVERSTAYER

Inaresto ng pulisya ang apat na katao kabilang ang mag-asawa sa Chiba Prefecture dahil sa hinalang pag-aayos ng trabaho para sa isang Vietnamese na expired na ang visa.

Sa ulat nt NHK World-Japan, sangkot ang mga suspek sa pagsasaayos ng trabaho ng Vietnamese sa isang confectionary factory simula 2020 hanggang Mayo ngayong taon.

Inamin ng babae ang paratang habang itinanggi naman ito ng kanyang asawa. Pinapatakbo ng dalawa ang staffing agency na ayon sa otoridad ay kumita ng humigit-kumulang sa 750 milyong yen noong 2022 mula sa mga ibinayad ng mga dayuhan na naghahanap ng trabaho sa Japan ng walang legal na permiso na manatili sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!