REKLAMO NG SCAMS GAMIT ANG LINE, IBA PANG APPS, DUMARAMI SA JAPAN
Nagbabala ang mga otoridad sa tumataas na bilang ng investment scams gamit ang Line messaging app at iba pang uri ng SNS.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng Tokyo Metropolitan Government na nagtala ng 314 kaso ng investment fraud complaints ang kinauukulan noong nakaraang fiscal year.
Pinapaalalahanan ng mga opisyal ang publiko na maging maingat sa mga scams tuwing gumagamit ng Line app na maaaring awtomatikong magdagdag sa mga users sa messaging groups.
Ilan sa mga panlolokong isinasagawa ay ang pag-i-invest sa crypto assets at retail foreign exchange trading. Sa sandaling naipadala na ng biktima ang mga pondo sa itinalagang bank account ay hindi na makontak ang mga manloloko tangay ang kanilang pera.
Hinihimok ng kinauukulan na kumonsulta ang publiko sa mga local consumer affairs center anumang oras na nababahala sila o naghihinala.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan