SAAN BA GALING ANG SALITANG “MATSURI”?
Ang orihinal na layunin ng mga pagdiriwang ng Matsuri ay pasalamatan ang mga diyos. Ang salitang “matsuri” ay galing din sa salitang “matsuru” (to enshrine). Ito ay tumutukoy sa mga ritwal ng pag-samba at pagdarasal sa mga diyos, at sinasabing nagmula sa mga diyos na sinasamba ng mga katutubo ng relihiyong Shintoismo, o Budismo.
Ang pagdiriwang ng matsuri ay karaniwan sinasabay ng pagbubuhat ng mga mikoshi o ang miniature shrine habang iniikot ito sa kabuuan ng lugar. Sinasabayan din ito ng pagsasayaw at pagdarasal. Isa din sa highlight ng pagdiriwang ay ang Hanabi o fireworks na talaga namang inaantabayan ng mga turista at nakatira sa lugar.
Ngayong papalapit na ang buwan ng matsuri sa Japan. inaasahan na maraming pagdiriwang at hanabi taikai ang magaganap sa buong Japan. Para sa listahan ng mga popular na matsuri, i-click lang ang article na ito. Para naman sa gustong ma-experience ang matsuri sa iba’t ibang parte ng Japan, ang Attic Tours po ay may mga hanabi event na pwede i-avail. Mag-message lang sa aming Facebook page para sa inquiries.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”