今週の動画

MGA LITRATO, VIDEOS NG PINAPANIWALAANG UFOs, NAKUNAN SA FUKUSHIMA, KOBE

Ipinakita ng International UFO Lab, isang organisasyon na nakabase sa Fukushima, ang anim na litrato at videos ng kanilang pinapaniwalaang mga unidentified flying objects o UFOs.

Isinagawa ng grupo ang pag-anunsyo sa UFO Fureai-kan Hall sa Fukushima noong Hunyo 24 na itinuturing na World UFO Day kung kelan unang nakakita diumano ng UFO sa Amerika.

Sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, sinabi ni Takeharu Mikami, ang lider ng grupo, na posibleng gawin ang mga imahe sa pamamagitan ng computer graphics ngunit kung totoong UFOs ang mga ito ay maaaring may sakay ito na mga aliens.

Ayon pa sa grupo, ang anim na bilog at tatsulok na flying objects ay nakunan sa Kobe, Fukushima at iba pang lugar.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!