今週の動画

CRUISE SHIP TOURS PAPUNTANG JAPAN, IPO-PROMOTE NG GOBYERNO

Plano ng pamahalaan na i-promote ang cruise ship travels patungo sa bansa para makaakit ng mas maraming dayuhang turista.

Saad sa ulat ng NHK World-Japan, layon ng transport ministry na makapagsagawa ng 1,825 port calls ang mga Japanese at foreign cruise ships sa bansa ngayong taon.

Inaasahan ang mahigit sa 1,200 port calls sa Japan ngayon taon.

Nakakapagsakay ng mahigit sa 4,000 pasahero ang mga overseas cruise ships na inaasahang makakadagdag sa bilang ng mga turista sa bansa.

Layon ng gobyerno na makaakit ng 2.5 milyong international cruise ship visitors pagsapit ng taong 2025.

Matatandaang hininto ng Japan ang pagtanggap sa mga cruise ships noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic ngunit muli itong binuksan sa mga dayuhang cruises noong Nobyembe ng nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!