今週の動画

9TH WAVE NG COVID-19, POSIBLENG NARARANASAN NA NG JAPAN

Maaaring nag-umpisa na ang ninth wave ng novel coronavirus sa bansa, babala ng mga eksperto.

Ayon kay Shigeru Omi, ang chairman ng subcommittee ng COVID measures ng gobyerno, unti-unti nang kumakalat ang impeksyon lalo na sa mga kabataan.

Nananawagan siya sa publiko na magpabakuna kontra virus lalo na ang mga matatanda at iba pa na high risk sa nakakamatay na sakit, sa ulat ng The Yomiuri Shimbun.

Sa pinakahuling tala ng World Health Organization, umabot na sa 33,803,572 ang naitalang kasi ng COVID-19 sa bansa simula noong mag-umpisa ang pandemya.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!