今週の動画

18,709 KATAO NA MAY DEMENTIA SA JAPAN, NAIULAT NA NAWALA NOONG 2022

Umabot sa 18,709 na katao na may sakit na dementia ang naiulat na nawala sa bansa noong nakaraang taon.

Ayon sa National Police Agency, karamihan sa mga ito ay nawala matapos gumala-gala, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Dagdag din ng kapulisan, 491 sa bilang na ito ang naiulat na nawala bago ang taong 2022 at nakumpirmang patay na karamihan ay dahil sa traffic accidents. Habang nasa 17,923 naman ang kalaunan ay natagpuan.

Hinihiling ng ilang lokal na pamahalaan sa mga miyembro ng pamilya ng mga taong may demensya o pinaghihinalaang may sakit na ito na pagdalhin sila ng mga GPS device o di kaya ay lagyan ng maliit na patch na may QR code kung saan naka-print ang kanilang contact information.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!