今週の動画

1.89 MILYONG DAYUHANG TURISTA, BUMISITA SA JAPAN NOONG MAYO

Nakapagtala ang Japan ng humigit-kumulang sa 1,898,900 dayuhang turista na bumisita sa bansa nitong nakaraang buwan ng Mayo. 
Katumbas ito ng 68.5 porsyento ng bilang na naitala noong Mayo 2019 bago ang COVID-19 pandemic, saad ng Kyodo News sa kanilang report. Mas mataas ito kumpara sa recovery level na naitala noong buwan ng Abril na nasa 66.6 porsyento.

Sinabi ng Japan National Tourism Organization na ang Mayo ay off-season ngunit dinayo pa rin ng mga bisitang turista ang bansa kung saan tumaas ang bilang ng mga galing sa South Korea at Canada.

Pinakamaraming dayuhang turista ang dumating sa Japan mula South Korea sa 515,700, na sinundan ng Taiwan sa 303,300, United States sa 183,400, at Hong Kong sa 154,400.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!