CULTURAL ACTIVITIES IN JAPAN
Maliban sa pagsusuot ng Kimono o Yukata, marami pang cultural related activities ang pwedeng gawin sa Japan.
Isa na dito ang TAIKO DRUM LESSONS. Ang history ng taiko nagsimula dalawang libong taon na ang nakalipas. Ang taiko ay ginamit na paraan ng komunikasyon noong araw at ginamit din itong kasangkapan sa pagriritwal. Sa ngayon, taiko ay karaniwang ginagamit sa mga selebrasyon at matsuri. Ang mga bihasang taiko players ay nagpapatugtog ng ibat-ibang pattern ng tunog sa pamamagitan ng paghampas ng dalawang stick sa drum. Ang taiko lesson ay ginagawa na ding form of workout ng iba. Sa pamamagitan ng paghampas sa drum mula sa mabagal na beat hanggang sa mabilis na beat, kinukunsidera itong total body workout na hindi kailangan ng “complicated” skills.
Ang taiko lessons ay naaayon para sa lahat, lalaki man o babae, bata man o matanda. May kamahalan ang mag-miyembro sa mga taiko class subalit maari kang mag-book ng trial lesson sa halagang 3,000 yen para sa 1 oras na practice.
Ang isa pa sa mga kakaibang cultural activity sa Japan ay ang pagsasanay ng Kyudo. Kyudo ay isa sa Japanese Martial Arts. Ito ay ang pagsasanay ng paggamit ng malaking pana at palaso. Ang pana ng kyudo ay may haba na humigit kumulang na 221 sentimetro at may bigat na 20 hanggang 45 kilo.
Ang KYUDO SPORT ay ginagamitan din ng uniporme na ang pantaas ay puting pangitaas at sinasamahan na pambaba na kasuotan na kung tawagin ay machi hakama sa lalaki na kulay itim o navy blue at sa babae naman ay machi o andon hakama. Ang hakama ay isinusuot pagkatapos ng isang obi o kimono sash. Ang Shirotabi (puting Japanese na medyas) ay ang kanilang saping pang-paa.
Kung kayo ay naghahanap ng kakaibang experience sa inyong pag-bisita, itry nyo na ang taiko at kyudo para sa hindi malilimutang experience sa Japan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan