今週の動画

MALAKAS NA ULAN, MATINDING INIT, INAASAHAN SA JAPAN SA HULYO-SETYEMBRE

Nagbabala ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa posibleng malakas na pag-ulan at matinding init sa kanluran at silangang bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre.

Ito ay base sa tatlong buwan na forecast ng JMA, saad sa ulat ng NHK World-Japan. Sinabi ng ahensya na dahil ito sa mas malakas na high-pressure system sa Pasipiko dahil sa nabawasang aktibidad ng bagyo sa Indian Ocean at sa El Nino.

Karaniwang tumatagal hanggang Hulyo ang tag-ulan sa karamihan ng lugar sa bansa.

Posible din ang katamtamang pag-ulan sa bansa sa Agosto at Setyembre, ayon sa mga Japanese weather officials.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!