AIRLINES SA HONG KONG, MAMIMIGAY NG LIBRENG TICKETS SA JAPAN
Para muling maengganyo ang mga turista na mamasyal sa Hong Kong ay mamimigay ang ilang airline companies ng libreng ticket sa eroplano mula sa iba’t ibang lungsod sa Japan papuntang Hong Kong.
Sa ulat ng The Japan Times, mamimigay ang Cathay Pacific ng 12,000 libreng economy-class round-trip tickets para sa biyaheng Hong Kong mula Narita, Osaka, Nagoya, Fukuoka at Sapporo simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 2 sa pamamagitan ng lottery system.
Maglalaan naman ng 14,900 libreng round-trip tickets ang HK Express sa mga residenteng Hapon simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 9 sa first-come, first-served basis.
Mamimigay din ng libreng tickets ang Hong Kong Airlines mula Narita, Osaka, Okinawa, Nagoya, Fukuoka at Sapporo simula Hunyo 27 hanggang 29.
Ito ay bahagi ng “Hello Hong Kong” campaign na layong makahikayat ng 1.5 milyong turista kasunod nang pag-aalis ng COVID-19 travel restrictions sa lungsod.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”