BABAE, NABIKTIMA NG FOOD POISONING MATAPOS KUMAIN NG SUSHI
Nagpapagaling na ang isang babae na nasa edad 40s matapos ma-food poison kasunod nang pagkain niya sa isang sushi restaurant sa Hitachinaka City, Ibaraki Prefecture.
Ayon sa report ng The Mainichi, kumain ng ilang klase ng sushi ang babae sa Kaiten-zushi Morita, isang conveyor sushi restaurant, malapit sa Nakaminato Fish Market noong Hunyo 11. Naospital ang babae sa Tsukuba kinabukasan dahil sa pananakit ng tiyan at ulo.
Nagpositibo siya sa anisakiasis, isang impeksyon na sanhi ng parasitic nematodes ng genus Anisakis na karaniwang matatagpuan sa hilaw na isda.
Namamatay ito sa pamamagitan nang pagluluto o kaya ay paglalagay sa freezer sa negative 20 degrees Celsius ng hindi bababa sa 24 na oras.
Pinagbawalan ng mga kinauukulan ang restaurant na maghain ng hilaw na isda at ng hindi frozen ngunit pinayagan na rin ito matapos ang isang araw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan