500 YEN CANCER CHECKUP FEE, IBABALIK NG MAEBASHI SA HALOS 30,000 RESIDENTE NITO
Nakatakdang ibalik ng lokal na pamahalaan ng Maebashi City ang nasingil na 500 yen bawat isa mula sa 29,185 residente kasunod ng maling pagsingil para sa chest X-ray lung cancer screening na libreng isinasagawa ng gobyerno.
Sa ulat ng The Mainichi, nagsimulang mangolekta ng 500 yen kada test ang Maebashi Municipal Government para sa lung, stomach at breast cancer noong fiscal 2022. Ngunit ang para sa lung cancer screening para sa mga edad 65 pataas na nagsisilbi rin na tuberculosis test ay dapat na libre ayon sa national government. Hindi ito alam ng taong in-charge kaya’t bilang tugon sa pagkakamali ay magpapadala ang lokal na pamahalaan ng 500-yen Quo Card, isang uri ng gift card, sa mga naapektuhang residente simula sa Hulyo.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan