2023 RECOMMENDED POPULAR RANKINGS OF JAPAN BEACH RESORTS
Kamakailan lang ay naglabas ng report ang Mybest website tungkol sa mga popular na beach na maaring puntahan dito sa Japan.
- Una sa listahan ang JODOGAHAMA BEACH ng Iwate Prefecture. Ito ay nagbubukas ng kalagitnaan ng Hulyo hanggang Agosto. Kilala ang beach na ito dahil sa maganda at malinaw na tubig dagat, coastal shore na maaring lakaran at dalawang boat cruise na pwedeng sakayan upang libutin ang dagat. Ang malilit na bangka ay pwedeng ilibot sa loob ng cave na tinatawag na Aonodokutsu.
- Pangalawa naman ay ang FUTATSUGAME BEACH ng Niigata prefecture. Ito din ay nagbubukas sa kalagitnaan ng Hulyo at nagtatapos sa ikatlong linggo ng Agosto. Ang island na ito ay nababalot ng berdeng damo at matatanaw din ang dalawang maliit na bundok na hugis pagong. Isa ito sa mga atraksyon ng lugar. Kung kayo ay nagababalak na bumisit sa lugar na ito, walang beach hut or tent sa area at wala ding restaurant or tindahan na pwedeng bilhan ng pagkain.
- Ikatlo naman ay ang ISHIHAMA BEACH ng Ibaraki prefecture na nagbubukas din tuwing buwan ng Hulyo. Kilala ito sa white sand at green pine forest. Mayroon din itong malalapit na natural hot spring facility. Libre ang paggamit ng changing room, shower at locker sa beach na ito.
- Nasa ika-apat namang ang SHIRARAHAMA beach ng Wakayama prefecture. Ito ay sister company ng popular na Waikiki beach ng Hawaii. Ito ay kilala sa sa kanyang na pure white quartz sand. Ang asul na tubig ng dagat nay nakakadagdag sa tropical ambiance ng lugar.
- Hindi rin mawawala ang KONDOI BEACH ng Okinawa. Kilala ang Okinawa sa naggagandahang anyong tubig na nakapaligid dito. Ang Kondoi beach ay may mababaw na dagat kung kayat safe na dalin dito ang mga bata. Napakaganda ng tubig dagat lalo na pag tinatamaan ng araw.
Huwag kalimutan na i-check ang ulat panahon bago pumunta sa anumang beach area. Alamin ang lugar kung saan nakapwesto ang life-guard at magdala ng sunblock o sunscreen bilang proteksyon sa araw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/22Ang “Apple disease” ay umabot sa antas ng babala sa Tokyo, na may mga sintomas na parang sipon at pantal sa pisngi
- News(Tagalog)2024/11/18Apat na sunod-sunod na nakawan sa mga lansangan ng Yokohama at Machida, Tokyo, na ikinasugat ng dalawa. Isang grupo ng apat na tao sa dalawang motorsiklo, sa loob ng 7km radius sa loob lamang ng dalawang oras.
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod