MONTHLY ALLOWANCE NG MGA BATA SA JAPAN, APRUBADO NA
Inaprubahan na ng gobyerno ang pagbibigay ng buwanang allowance para sa mga pamilyang may pinapalaking mga bata sa Japan bilang bahagi ng mga hakbang para matugunan ang pagbaba ng birthrate sa bansa.
Makakatanggap ng 15,000 yen kada buwan ang bawat pamilya na may mga batang mas mababa sa tatlo ang edad, 10,000 yen para sa mula tatlo ang edad hanggang senior high, at 30,000 yen naman para sa may mga pangatlong anak at higit pa simula pagkapanganak hanggang senior high.
Plano ng pamahalaan na repormahin ang social welfare spending at bumuo ng bagong support sytem para pondohan ang mga hakbang na ito, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”