今週の動画

TIGDAS OUTBREAK PINANGANGAMBAHAN SA JAPAN

Pinapaalalahanan ng mga eksperto ang mga mamamayan sa posibilidad na pagkakaroon ng measles o tigdas outbreak dahil sa muling pagsigla nang paglalakbay sa pagitan ng Japan at ibang bansa.

Ayon sa National Institute of Infectious Diseases, nasa 10 kaso na ng measles virus mula sa ibang bansa ang naitala sa Japan hanggang noong Mayo 28, saad sa ulat ng Jiji Press.

Naipapasa ang measles virus sa pamamagitan ng hangin at droplets. Pagkatapos ng incubation period na humigit-kumulang 10 araw, ang mga nahawaang tao ay magkakaroon ng lagnat at ubo na susundan ng mataas na lagnat at pantal. Ang virus ay maaaring maging sanhi ng pulmonya.

Walang tiyak na gamot ang tigdas.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!