今週の動画

MAHIGIT 50% NG MGA TUMATANGGAP NG WELFARE BENEFIT SA JAPAN, MATATANDA

Nasa 55.6 porsyento ng mga kabahayang tumatanggap ng buwanang welfare benefit sa bansa ay may mga miyembrong matatanda, ito ay batay sa datos na inilabas ng gobyerno kamakailan.

May kabuuang bilang na 1,647,341 ang mga recipients ng welfare benefit sa bansa sa pagtatapos ng fiscal 2022. Sa numerong ito, nakapaloob din ang 15.6 porsyento kung saan kabilang ang mga walang trabaho.

Ito na ang pangatlong magkakasunod na taon na tumaas ang bilang dahil sa COVID-19 pandemic at inflation, ayon sa ulat ng Jiji Press.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!