今週の動画

TOP SUMMER FESTIVALS IN JAPAN

Ngayong taon, maraming festivals ang sisimulan ulit at pinaplanong ibalik na walang restriksyon katulad ng panahon ng wala pang pandemic dahil na rin sa pagbaba ng level ng covid na kaparehong level na lamang ng influenza sa Japan.

Inanunsyo ng Hankyu Travel International ang mga popular na aktibidad sa Japan tuwing summer base sa mga nag-book ng summer destination noong nakaraang taon.

Nanguna sa listahan ang apat na Tohoku Summer Festival sa Aomori, Akita, Yamagata at Miyagi. Mula sa Aomori ang Nebuta Festival. Dito makikita ang malalaki at makukulay na parol na sinasakay sa malaking float para iparada. Ito ay ginaganap tuwing Agosto ng taon. Ngayong taon, papayagan na din ang pagsasayaw sa paligid ng ng float suot ang haneto.

Sa Akita Kanto Festival naman laging inaantabayan ang pagbitbit ng malaking parol na nakasabit sa kahoy na may taas na 12 metro at may bigat na 50 kilo na gamit ang kanilang palad, balikat at noo.

Ang Yamagata Hanagasa Festival naman ay ang pag parada ng mga mananayaw na nakasuot ng kimono at may sumbrerong na may disenyo na mga bulaklak na mula sa Yamagata.

Pang huli naman ay ang Sendai Tanabata Festival. Isa sa pinakamasaya at popular na festival ng Japan. Tintawag itong Festival of Paper and Bamboo dahil na rin sa makukulay na parol na gawa sa mahabang washi paper at kawayan. Ito ay may haba na 3-5 metro.

Ikalawang pwesto naman ang Owara Kaze Bon ng Toyama Prefecture at Awa Odori mula sa Tokushima. Ang mga selebrasyon na ito ay pawang ginaganap sa parehong petsa kaya planuhin mabuti ang inyong pagbisita.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!