今週の動画

KARAGDAGANG ¥145,000 NA GASTOS INAASAHAN SA BAWAT KABAHAYAN

Tinatayang aabot sa ¥145,000 ang karagdang gastos na papatong sa bawat kabahayan sa bansa ngayong fiscal year 2023 kasunod nang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at iba pang bilihin pati na rin ng kuryente, at iba pa.

Sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, nakatakdang tumaas ang singil sa kuryente ngayong buwan, at inaasahan din ang karagdagang pagtaas ng presyo para sa pagkain at inumin sa mga darating pang buwan, ayon sa isang pribadong research company.

Inaasahan na magpapatuloy ang pagtaas ng mga presyo hanggang sa katapusan ng taon na higit na magpapahirap sa pananalapi ng mga kabahayan sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!