JAPAN, BALAK BIGYAN NG LONG-TERM RESIDENT STATUS ANG MGA FOURTH-GENERATION JAPANESE DESCENDANTS
Plano ng Immigration Services Agency na rebisahin ang kasalukuyang resident status system upang payagan ang mga fourth-generation Japanese descendants na makakuha ng long-term resident status sa Japan.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan at The Yomiuri Shimbun, maaaring payagan ang mga fourth-generation Japanese descendants na maging long-term residents kung matutugunan ng mga ito ang mga requirements na hihingin mula sa kanila.
Sa ngayon ay tanging ang mga fourth-generation Japanese descendants edad 18-30 ang maaaring magtrabaho sa bansa ng hanggang limang taon. Kinakailangan din na mayroon silang host family o kaya ay employer.
Umasa ang gobyerno na mabibigyan nila ang nasa 4,000 katao kada taon simula nang ilunsad ang programa noong 2018 ngunit nasa 120 lamang ang nananatili sa bansa sa ilalim ng sistema.
Papayagan ang mga fourth-generation Japanese na marunong mag-Nihongo na magkaroon ng long-term resident status sa pagtatapos ng kanilang limang taong pananatili sa bansa sa ilalim ng babaguhing sistema. Balak itong isagawa ng gobyerno sa pagtatapos ng taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”