BAGONG TRAIN LINE MULA TOKYO STATION PATUNGONG HANEDA AIRPORT, GINAGAWA NA
Under construction na ang bagong train line na diretsong bibiyahe mula Tokyo Station patungong Haneda Airport simula fiscal 2031.
Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang mga opisyal ng East Japan Railway para sa proyekto na layong tugunan ang patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang turista sa bansa, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa kasalukuyan ay kailangang lumipat ng train line ang mga pasaherong manggagaling sa Tokyo Station at tutungo sa Haneda kung saan ang biyahe ay tumatagal ng halos 30 minuto. S
a pamamagitan ng bagong linya, may direct access na sila mula sa istasyon hanggang airport at ang biyahe ay 18 minuto lamang balikan. Itatayo sa pagitan ng Haneda Terminal 1 at 2 ang bagong underground station para rito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan