今週の動画

800-2,700 YEN NA DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE TIYAK NA NGAYONG HUNYO

Sigurado na ang pagtaas ng singil sa kuryente ng pitong power companies sa Japan ngayong buwan.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, magtataas ng nasa humigit-kumulang 800 hanggang 2,700 yen mula noong nakaraang buwan ang singil sa kuryente ngayong Hunyo para matugunan ng mga power companies ang kanilang dagdag-gastos sa pagtaas ng presyo ng liquefied natural gas at coal na ginagamit sa paggawa ng kuryente.

Tataas ang average-household electricity bill ng 1,518 yen sa mga lugar na sakop ng Hokkaido Electric Power Co., 1,621 yen sa Tohoku Electric Power Co. area, 881 yen sa TEPCO, 2,196 yen sa Hokuriku Electric Power Co. area, 1,667 yen sa Chugoku Electric Power Co. area, 1,783 yen sa Shikoku Electric Power Co. area at 2,771 yen sa Okinawa Electric Power Co. area.

Bago ito ay inaprubahan na ng industry ministry ang nasabing dagdag-singil.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!