今週の動画

ARTIFICIAL CEDAR FORESTS, PUPUTULIN PARA MABAWASAN ANG KASO NG HAY FEVER

Plano ng gobyerno ng Japan na putulin ang nasa 20 porsyento ng artificial cedar forests sa loob ng 10 taon sa layong mabawasan ang kaso ng hay fever sa bansa.

Batay sa ulat ng NHK World-Japan, hihikayatin ng pamahalaan ang mga construction companies na gumamit ng cedar trees sa pagtatayo ng mga bahay. Papalitan ito ng ibang halaman o kaya ng cedar na may mas konting pollen.

Sa 2019 survey ng isang grupo ng mga doktor sa tenga, ilong at lalamunan, napag-alaman na 43 porsyento ng mga respondents ang nakakaranas ng pollen allergy.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!