今週の動画

PROSESO SA PAGLAPAG NG MGA FOREIGN PRIVATE JETS, LULUWAGAN NG JAPAN

Upang makaakit ng mas maraming dayuhang turista na may kakayahang gumastos ng malaki ay papaluwagin ng gobyerno ng Japan ang mga proseso sa pag-landing at iba pa ng mga dayuhang pribadong jet na darating sa bansa.

Sa ulat ng Kyodo News, papaikliin ang araw na kinakailangan para magsumite ng aplikasyon sa permiso sa paglapag sa Japan mula sa 10 hanggang tatlo bago ang pagdating sa bansa. Sa hindi maiiwasang pagkakataon, papayagan din ang pagsusumite ng hanggang sa 24 oras bago ang paglapag.

Nagtala ang Japan ng 5,962 arrivals at departures ng foreign private jets noong 2019. Bumaba ito sa 1,332 noong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic at muling tumaas sa 3,142 noong nakaraang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!