HARRY POTTER THEME PARK IN TOKYO
Malapit na magbukas ang Harry Potter Theme park sa Tokyo sa darating na ika-16 ng Hunyo. Ang Harry Potter theme park ay ang papalit na atraksyon sa lugar kung saan dating nakatayo ang Toshimaen park.
Inaasahang dadagsain ito ng mga lokal na bisita pati na din ang mga turista sa bansa. Sinimulan na ang pagbebenta ng ticket para sa opening.
Ang presyo ng ticket nahahati sa 3 kategorya. Para sa 4 na taon hanggang 11 taong gulang, nagkakahalaga ang ticket ng 3,800 yen. Para naman sa 12 hanggang 17 taong gulang, ang ticket naman ay nagkakahalaga ng 5,200 yen. Para sa adult na 18 at pataas, ang halaga ng ticket ay 6,300 yen. Mabibili ang mga ticket sa kanilang website.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”