2 PREMIUM MELONS, NABENTA NG ¥3.5 MILYON SA AUCTION
Isang pares ng Yubari premium melons ang naibenta sa halagang 3.5 milyong yen sa unang auction ng tag-init sa Sapporo, Hokkaido nitong Huwebes.
Ito na ang pangalawang pinakamataas na presyo na naitala pagkatapos ng 5 milyong yen noong 2019, batay sa ulat ng Jiji Press.
Nabili ng Hokuyupack Co., isang Yubari melon packing company, ang pares ng melon. Plano nila itong ipakain ng libre sa 200 mamamayan ng lungsod ng Yubari sa darating na Hunyo.
Kabilang ang pares ng melon sa 262 Yubari melons na ipina-auction sa Sapporo Central Wholesale Market na ginaganap bilang hudyat nang paparating na panahon ng tag-init sa Hokkaido.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan