今週の動画

TAX REFUND, KINUKUNSIDERA NG JAPAN NA IPALIT SA TAX-FREE RULE PARA SA MGA DAYUHANG TURISTA

Isinasaalang-alang ng gobyerno ng Japan na i-overhaul ang tax-free shopping rule nito para sa mga dayuhang turista bilang tugon sa dumaraming kaso nang pagbili ng mga produkto na walang buwis at muling pagbebenta ng mga ito sa ibang bansa sa mas mataas na presyo.

Saad sa ulat ng Kyodo News, kinukunsidera ng gobyerno ang pagpapalit ng programa mula sa tax-free patungo sa tax refund kung saan babayaran muna ng turista ang presyo ng produkto kasama ang tax at mag-a-apply ng refund kalaunan.

Posibleng mag-umpisa ang pag-uusap ng mga opisyal ng gobyerno tungkol dito bago matapos ang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!