今週の動画

MAHIGIT ¥4 TRILYON, NAGASTA NG MGA DOMESTIC TRAVELERS SA JAPAN SA Q1 2023

Nasa mahigit 4.23 trilyong yen ang nagastos ng mga domestic tourists sa Japan mula Enero hanggang Marso nitong taon, ayon sa Japan Tourism Agency.

Sa ulat ng NHK World-Japan, mas mataas ito ng 0.5 porsyento kumpara sa mga parehong buwan noong pre-pandemic year 2019. Ipinapalagay ng ahensya na ang pagtaas ay dahil sa travel subsidy program ng gobyerno.

Lumalabas na umaabot sa mahigit sa 42,000 yen ang nagastos ng bawat traveler, saad pa sa ulat.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!