今週の動画

MGA TURISTANG PINOY NA BUMISITA SA JAPAN NITONG ABRIL, NASA 90 PORSYENTO NG DAMI NOONG BAGO ANG PANDEMYA

Nasa 62,800 turista mula Pilipinas ang bumisita sa Japan noong nakaraang Abril.

Ayon sa paunang ulat ng Japan National Tourism Organization (JNTO), katumbas ito ng 90.7 porsyento ng bilang na naitala sa parehong buwan noong pre-pandemic year na 2019 na nasa 69,266.

Umabot naman sa 173,000 ang kabuuang bilang ng mga turistang Pinoy mula Enero hanggang Abril ngayong taon na 91.7 porsyento nang naitala sa unang apat na buwan apat na taon na ang nakakaraan.

Nagtala ang Japan ng 1,949,100 dayuhang turista noong nakaraang buwan sa pangunguna ng mga South Koreans na sinundan ng mga Taiwanese at mga Amerikano.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!