今週の動画

SINGIL SA KURYENTE TATAAS SIMULA SA HUNYO

Madadagdagan ang babayaran sa kuryente ng mga kabahayan simula sa susunod na buwan kasunod nang pag-apruba ng gobyerno sa kahilingan ng mga power companies na magtaas ng singil.

Tataas mula 15 hanggang halos 40 porsyento ang singil ng pitong kumpanya ng kuryente kabilang ang Tokyo Electric Power Company o TEPCO.

Itinuturo nilang dahilan ang pagtaas ng presyo ng natural gas na ginagamit sa thermal power generation, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!